Bata pa lamang, lulan na tayo ng mga pangarap na matatayog, pangarap na nagtutulak sa ating lunukin ang inihahaing kaalaman ng paaralan kahit na minsa'y sangkatutak ito at hindi na natin kaya pang iproseso.
Ito ang mundo na punong-puno ng pangarap, iginuguhit gamit ang turong pabaon, kinukulayan ng kumikinang na medalyang patunay ng pagsisikap. Ngunit paano kung ang kinang ng medalya ay hindi na para sa sariling sigla, kundi para na lamang mapunan ang uhaw ng mga matang may mabibigat na inaasahan? Kapag ang tunay na layunin ng pag-aaral ay unti-unting natabunan ng takot na hindi makasapat?
Isang tanong, isang sagot. "๐๐ช๐ต๐ฉ ๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐ฐ๐ณ ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ข?" Kapag oo, kasunod agad ang palakpak, ang paghanga, at ang mga matang kumikislap sa pag-apruba. Ngunit kapag hindi, tila awtomatikong lumalabo ang tingin ng ilanโparang hindi na kailangan ng paliwanag, dahil sa paningin ng marami, ang kakulangan ng karangalan ay kapintasan.
Sa mata ng ilan, ang estudyanteng nahihirapan o bumabagsak ay isa nang kahihiyanโhindi pasok sa nakasanayan. Parang marka na lang ang sukatan ng kinabukasan, at kapag wala ka noon, tila wala ka na ring patutunguhan.
๐ท๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
Hindi lang ito para sa matataas na pangarap. Minsan, para lang maibalik ang kumpiyansang unti-unting binabawasan ng sistemang mas pinapaboran ang resulta kaysa proseso. Unti-unti, pati ang ngiting kaakibat ng maliliit na tagumpay ay napapalitan ng pagod. Maging ang ngiti sa dulo ng karangalanโ kumukupas.
"๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐บ๐ข" may pait na pagbitaw sa linyang walang kasing bigat. Ito ay mga salitang galing sa walang buhay na boses dahil kulang ang kinang ng bituing nasungkit upang kulayan ang larawang tagumpay sa isipan ng mga taong naghihintay ng resulta.
Maging ang may lulan ay nawalan ng gasolina at tila hindi na kayang tumuloy dahil sa bigat ng pasaning ang tropeyo ay para lang sa mga numero uno at hindi para sa mga pangalang kasunod. Paano na ang pangarap na mula pa pagkabataโy maingat nang iginuhit pero ngayoโy hindi na kayang kulayan ng tintang paubos?
๐ฏ๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐.
"๐๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ฆ๐ฅ๐ข๐ญ๐บ๐ข" bilang na lang sa daliri ang mga estudyanteng hindi pa nakakapag-share ng linyang ito sa social media platform. Ang ilan pa nga'y itinatago ito sa mata ng ibang tao upang iwasan ang mga bulungang tanging hatid ay sugat sa puso.
Dahil inukit na pamantayan sa isip ng mga mag-aaral, parang ang pagkataoโy nakataya sa kung may medalya kang nakasabit, o sertipikong hawak habang nakangiti sa litrato. Ngunit sa ilan, ang medalya ay hindi na simbolo ng tagumpayโisa na itong lubid na unti-unting pumapatid sa natitirang lakas.
Madungis na rin ang listahan ng layunin kung bakit dapat mag-aral nang mabuti ang bawat estudyante, pinalitan ng mga paniniwalang hindi galing sa sarili, kundi sa mata ng ibang taong ang tingin sa karangalan ay sukatan ng halagaโ opinyong sa tingin nila'y natitirang katotohanan sa mundo at pilit itinatali sa noo ng kabataang tinatawag na pag-asa ng bayan. Kung itatanong man, "๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ?" ๐๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐จ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐บ "๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฑ๐ฐ"...... "๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฅ๐ข๐ต๐ช".
May parte man ay malayo na ito sa dati. Isa nang larawang unti-unting kumukupas ang orihinal na layunin ng mga estudyante. Kung datiโy sapat na ang hangaring matuto at makapagtapos, ngayon ay tila mas mabigat na ang hatak ng mga opinyong walang prenoโmga salitang mabilis bumangga, masakit tumama, at matagal bago maghilom.