Back to News
Sports

18 batang tennis player mula Pilipinas, bibida sa internasyonal na torneo ngayong taon

11 days ago
2 min read
18 batang tennis player mula Pilipinas, bibida sa internasyonal na torneo ngayong taon

𝗩𝗶𝗮 𝗝𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱 𝗙𝗼𝗹𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛

Isang bagong henerasyon ng pambansang pag-asa sa lawn tennis ang magdadala ng watawat ng Pilipinas matapos humakot ng puwesto sa final round ng 2025 UTP Elite Eight Playoffs na ginanap noong Hunyo 10 hanggang 15 sa San Carlos City.

Sa ginanap na torneo, itinanghal ang 18 kabataang atleta na sasabak sa isang prestihiyosong international competition sa Malaysia ngayong Nobyembre, matapos makapasok sa top 2 ng kani-kanilang age group division.

Ang kompetisyong inorganisa ng Unified Tennis Philippines (UTP) at itinaguyod ng Cebuana Lhuillier Sports ay nagtipon ng 72 junior tennis player mula Luzon, NCR, Visayas, at Mindanao, na kinatawan ng mahuhusay na eskwelahan at tennis academies sa bansa.

Sa girls division, wagi sina Shaner Gabaldon at Etha Nadine Seno (12-under), Mitchellen Cruspero at Kathlyn Bugna (14-under), Cadee Jan Dagoon at Khalilah Kate Imalay (16-under), at Cielo May Gonzales at AJ Acabo (18-under).

Sa boys division naman, kinilala sina Everett Pete Niere at Sherwin Brylle Gom-os (12-under), Everett Gil Niere at Claudwin Seven Tonacao (14-under), Josh Benedict Lim at Matthew Morris (16-under), at Juvels Velos at Ariel Cabaral (18-under).

Giit ni Jean Henri Lhuillier, pangulo ng UTP at CEO ng Cebuana Lhuillier, na ang torneong ito ay patunay ng tuloy-tuloy na paghubog ng mga talento tungo sa international events.

“We believe in the power of sports to change lives. Supporting platforms like the UTP Elite Eight Playoffs allows us to help young athletes develop their skills, build their confidence, and represent the Philippines with pride on the global stage,” ani Lhuillier.

Sa ikatlong sunod na taon, naging host muli ang San Carlos City, sa tulong ng malalakas na pasilidad at buong suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan tulad nina Mayor Rene Gustilo, Vice Mayor Criston Carmona, Rep. Gerardo Valmayor Jr., at Rep. Jules Ledesma.

Opisyal na kinilala ng Philippine Tennis Association ang torneo, na naisakatuparan din sa pakikipagtulungan ng mga partner na Unilab, Alternatives Food Corporation, Navegar, STI, Dunlop, Madison Galeries, at Mr. Freeze.

Magsisimula ang training camp ng 18 piling atleta sa susunod na buwan bilang paghahanda sa torneo na gaganapin sa Malaysia ngayong Nobyembre.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.

Cayetano, iginiit ang halagang pampulitika ng sports sa kabataan; fundraising para sa Alas Pilipinas, idinaos

Inilunsad sa Intramuros ang “Spike for a Cause,” isang fundraising dinner at fashion show na layong suportahan ang Alas Pilipinas at ang gaganaping FIVB Men’s World Championship ngayong Setyembre.