via Jevin Alfred Follante, Pressroom PH
Isinalpak ni Lionel Messi ang kaniyang unang goal sa pinalawak na FIFA Club World Cup gamit ang trademark free kick upang igiya ang Inter Miami sa 2-1 panalo kontra sa two-time European champion FC Porto, nitong Huwebes (Biyernes sa Maynila) sa Mercedes-Benz Stadium sa Atlanta.
Nakuha ni Messi ang free kick makaraang patumbahin siya ni Rodrigo Mora sa labas ng penalty area habang bumabayo sa gitna ng depensa ng Porto. Sa ika-54 minuto, binitawan ni Messi ang isang kaliwang sipa na lumusot sa ibabaw ng wall at bumaon sa kanang itaas na sulok ng net.
Ang panalo ay tumubos sa goalless draw ng Miami kontra Al Ahly sa kanilang pambungad na laro at naglagay sa kanila sa matibay na posisyon para sa knockout stage.
“It was a great effort from the whole team,” ani Messi sa panayam ng DAZN.
“Not only did we defend, but we managed the ball well. We had a sour taste after the game against Al Ahly. This is a very important victory, and we'll enjoy it.”
“It is being seen that we want to compete; we competed against a good team, and here and there we gave away the first half.
The young guys had nerves playing in this competition for the first time.”
Nauna nang nakaabante ang Porto sa unang bahagi matapos palitan ni Samu Aghehowa ang penalty kick na iginawad sa kanila sa pamamagitan ng VAR review.
Sa pagbubukas ng second half, tinabla ni Telasco Segovia ang iskor sa loob ng dalawang minuto matapos niyang itarak ang bola mula sa low cross ni Marcelo Weigandt.
Inirehistro ni Messi ang kaniyang ika-50 goal para sa Inter Miami sa kaniyang ika-61 laro para sa club sa lahat ng torneo.
Tumindig ang panalong ito bilang unang tagumpay ng isang Concacaf team laban sa isang European team sa kasaysayan ng opisyal na FIFA international club competition.
Tatangkain ng Inter Miami na maselyuhan ang round of 16 spot sa kanilang susunod na sagupaan laban sa Brazilian powerhouse na Palmeiras.