Back to News
Science and Technology

“Tahong-credible” discovery: UPV, gumawa ng mas masustansiyang patis mula sa tahong

15 days ago
3 min read
“Tahong-credible” discovery: UPV, gumawa ng mas masustansiyang patis mula sa tahong

𝘃𝗶𝗮 𝗩𝗷𝗮𝘆 𝗔𝗴𝘂𝗶𝗹𝗮𝗿, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛

Pagdating sa lutuang Pinoy, hindi nawawala ang patis, ang sarsa ng linamnam sa bawat hapag. Ngunit ngayong 2025, isang makabago at mas masustansiyang bersiyon nito ang inilunsad ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Visayas (UPV), gamit ang hindi inaasahang sangkap—ang tahong.

Sa isinagawang pananaliksik ng UPV, nakagawa sila ng patis mula sa green mussels o Perna Viridis, na mas kilala bilang tahong. Hindi lang basta alternatibo ang bagong imbensiyon na ito, kundi isa ring mas mababang asin na pampalasa na may dagdag benepisyong pangkalusugan kumpara sa karaniwang patis sa pamilihan.

𝙏𝙖𝙝𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙮 𝙎𝙪𝙨𝙩𝙖𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖, 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙇𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙣𝙖𝙢𝙣𝙖𝙢

Ang tahong ay matagal nang bahagi ng pagkaing Pilipino, madalas ihain na may sabaw o ginataan. Ngunit sa pananaliksik na ito, binigyan ng bagong anyo bilang pangunahing sangkap ng patis. Sagana ang tahong sa protina, amino acids, zinc, calcium, at iron, habang mababa naman sa kolesterol at taba.

Ayon sa Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), lumalabas sa mga inisyal na pagsusuri na mas mababa ang sodium content ng patis mula tahong, dahilan para ito’y maging mas ligtas sa mga taong may altapresyon at iba pang sakit na may kinalaman sa sobrang asin.

𝙎𝙞𝙣𝙞𝙨𝙞𝙙 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠, 𝙏𝙖𝙝𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙙𝙖

Nagsimula ang proyekto noong 2021 sa pamumuno nina Dr. Jose Peralta at Dr. Ernestina Peralta ng UPV, kung saan sinubukan nilang iburo ang tahong na may mas kaunting asin. Kahit nabawasan ang alat, napanatili ng produkto ang lasa at nadagdagan pa ang antioxidant properties nito, na tumutulong sa katawan laban sa mga sakit.

“Noong una, hamon talaga ang bawasan ang asin nang hindi nasisira ang kalidad ng patis,” ani Dr. Jose Peralta. “Pero nakita namin na kayang kaya pala, at mas marami pa itong naidudulot na kabutihan sa katawan.”

𝘽𝙚𝙣𝙘𝙝𝙢𝙖𝙧𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙑𝙞𝙚𝙩𝙣𝙖𝙢, 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙖 𝙂𝙡𝙤𝙗𝙖𝙡

Bilang bahagi ng pagpapahusay sa produkto, nagtungo ang grupo ng UPV sa Bin Thuan, Vietnam noong 2024 upang magsagawa ng benchmarking sa mga lokal na industriya ng pagbuburo. Sa pangunguna ni Reynaldo Tan, direktor ng UPV-Technology Transfer and Business Development Office, pinag-aralan nila ang mga epektibong proseso sa paggawa ng patis sa nasabing bansa.

“Marami kaming natutunan sa Vietnam, lalo na sa quality control at food safety. Plano naming gamitin ito para mapalakas pa ang industriya ng patis tahong dito sa Pilipinas,” ani Tan.

𝙋𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙨𝙞𝙣𝙖, 𝙆𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙

Hindi lang panibagong pampalasa ang hatid ng patis mula tahong. Makatutulong din ito sa mga mangingisda at baybaying komunidad na magkaroon ng karagdagang kabuhayan mula sa tahong na dating sobra o hindi napapakinabangan.

Ayon sa DOST-PCAARRD, bagama’t nasa research and development phase pa ang proyekto, malaki na ang potensiyal nito sa lokal na pamilihan. Bukod sa mas sustansiyang patis, binubuksan din nito ang pinto sa mas maraming produkto mula sa yamang-dagat.

𝙋𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙮 𝙇𝙖𝙢𝙖𝙣, 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙇𝙖𝙣𝙜 𝘼𝙡𝙖𝙩

Sa panahon ng mas mataas na kamalayan sa kalusugan, binibigyang-daan ng proyektong ito ang isang pampalasa na hindi lang dagdag-linamnam, kundi may taglay ring sustansiya. Isang “tahong-credible” innovation na siguradong magpapasaya sa bawat lutong Pinoy.

About the Author

C

Carl Louise Romales

Carl Louise Romales is a an incoming College student and a campus journalist with a strong interest in journalism and web development. He crafts newsworthy articles and develop websites to communicate ideas effectively and engage audiences through digital platforms. He seeks to echo the voices of the unheard and use his skills to bring attention to stories that matter.

You Might Also Like

Apparition or Just a Mere Misconception?

On June 14, 2025, a cloud formation above Naga City, Camarines Sur, sparked widespread attention after parishioners claimed to have seen the image of Jesus Christ in the sky following a Mass at the Minor Basilica of Peñafrancia. Videos and photographs quickly circulated online, garnering 5.3 million views and 269,000 reactions on Fox News alone. For a country deeply rooted in Catholic beliefs, this moment stirred powerful emotions.

Pag-asa Para sa Masa: Positibong Pananaw, May Positibong Epekto

Hindi mo man tiyak ang eksaktong dahilan ng iyong pag-iral, may halaga na agad ang paniniwala mong may kabuluhan ang iyong buhay. Sa katunayan, lumitaw sa bagong pananaliksik na ang simpleng paniniwala na may saysay ang ating pag-iral ay may malalim at positibong epekto sa ating pang-araw-araw na buhay.