Back to News
Feature

"๐—ž๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ": Bayang Uhaw

โ€ขabout 23 hours ago
4 min read
"๐—ž๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ": Bayang Uhaw

๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐˜†๐—ป ๐—Ÿ. ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ

Lahat tayoโ€™y may kaniya-kaniyang pangarap na umaasang marating ang buhay na maginhawaโ€” โ€˜yong tipong wala nang iniintinding bukas. Tila naglalayag sa alon ng karangyaan at ang isip natin ay malayang lumilipad, malayo sa problemang pinansyal.

Ngunit tila lahat ng iyan ay iginuhit lamang ng mga tintang bumubuo ng obra kapag sama-samang dumaloy sa puting papel. Sa hirap ng buhay, kulang na lang ay malunod ang mga Pilipino sa pagkauhawโ€” lalo na yaong mga manggagawang ibinuhos na ang lahat ng lakas at pagsasakripisyo, mas mabigat pa rin ang pasan sa balikat kaysa sa perang naiuuwing pamalubag-loob para sa mga mahal sa buhay.

Sa bawat bigat na pasanin ng buhay na kinasasadlakan, sa bawat pagyuko sa nakapapasong sinag ng araw, katumbas nito ay mga kahilingang ibinubulong sa hangin at ibinabato sa mga napadaang bulalakawโ€” kahilingang madagdagan ang laman ng butas na mga bulsa at mapawi ang nanunuyong buhay.

Pagpatak ng Pag-asa

Isang buhay na hindi tinutubuan ng maganda't matayog na pangarap ang mayroon ang 19.4% o katumbas ng 1.04 milyong manggagawang tumatanggap ng eksaktong minimum na sahod, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Agosto 2022, mga indibidwal na hitik sa suliraning paano pagkakasyahin ang kinikita at wala nang sobra pa para sa mga kailangan at munting mga kagustuhang bilhin.

Upang unti-unting mamukadkad ang nalalantang pag-asa ng mga mamamayan, nagpaulan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng dagdag pasahod sa halagang 50 pesos sa araw-araw na pakikibaka ng mga empleyado ng NCR na magiging epektibo sa Hunyo 18, taong kasalukuyanโ€” patunay sa unti-unting paglago ng munting liwanag na tutuldok sa madilim na hinaharap ng sangmilyong manggagawa.

Kaakibat ng hakbang na ito ang pagdagdag ng barya sa bulsaโ€”mga baryang bagamat maliit, ay tila naglalabas ng mas malakas na ingay dahil sa dami ng salaping nagsasalpukan sa dating butas na bulsa. Para sa mga manggagawang matagal nang nangangarap ng kaginhawaan, ito'y isang munting biyayang nagdadala ng ginhawa sa mga balikat na matagal nang nakalaylay dahil sa pagod. Sa pagkakataong ito, tila ba unti-unti na nilang nalalasahan ang tamis ng buhayโ€”mula sa isang simpleng patak ng pag-asa.

Muling Pagsingaw ng Katotohanan

Bilin ng matatanda, anuman ang matamis, siguraduhing susundan ng maraming baso ng tubig. Ngunit para sa maraming manggagawang Pilipino, ang munting tamis ng buhay na nalasahan mula sa dagdag na pasahod ay agad na sinusundan ng paglingon sa listahanโ€”isang listahang puno ng gastusin, kung saan kailangang pagkasyahin ang hindi tataas sa โ‚ฑ695 na bagong minimum wage.

Umapaw man ang panandaliang tuwa, agad itong tinabunan ng mapait na katotohanang hindi pa rin sapat ang kinikita upang mapawi ang kumakalam na sikmuraโ€”lalo na kung ang pamilyang binubuhay ay may maraming miyembro. Sa bawat sentimong idinadagdag sa sahod ay kaakibat ang masusing kalkulasyon, saan mapupunta, ano ang kailangang unahin, at alin ang kailangang isantabi.

"Kulang pa rin talaga"โ€” isang linya na madalas ay hindi na iniisip, kundi kusa na lamang nabibitawan ng mga manggagawang mulat sa reyalidad. Hindi man inaanyayahan, ang katotohanan ay palaging kumakatok sa isipang wala nang pahinga sa kakaisip ng paraan kung paanong makakaahon mula sa laylayan ng lipunan.

Marami pa rin ang nananatiling gutomโ€”hindi dahil sa kakulangan ng sipag, kundi dahil sa kakulangan ng sapat na kita. Sa likod ng ipinangakong pag-asa, agad ding sumingaw ang katotohanan, hindi pa rin sapat ang bagong minimum wage para sa mga pamilyang may pinapaaral, at lalong hindi ito sapat upang sabayan ang walang preno sa pagtaas na presyo ng bilihin.

Dahil dito, isang malaking papel ang ginagampanan ng sapat na pagdilig ng biyaya, ang pag-agos ng tulong, oportunidad, at mas sapat na sahod upang muling mapalakas ang nalalantang pag-asa. Sapagkat sa bawat pagsingaw ng katotohanan, dapat ay may sapat na panangga ang mamamayanโ€”isang pananggang kayang pumawi sa tuyot na pangarap at muling magbigay lakas sa mga pagod na balikat.

Naninirahan tayo sa isang bayang uhaw sa kaginhawaan, isang lipunang patuloy na nangangarap. Sa ganitong kalagayan, kinakailangan pa ng muling pagdagdag sa patak ng pag-asa upang mapunan ang kakulangang matagal nang bumabalot sa araw-araw na pamumuhay.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth โ€” a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

๐—ก๐—ด๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜„: Kapansanan, Hindi Katahimikan

Kailan naging kasalanan ang pagiging kakaiba? Siyempre, sa matang mapanghusga. Nakakadena sa pang-aalipusta ang buhay ng isang naiiba. Iba sila kung tingnan at tratuhin, tila laging may layong paghusga. Pilit inaako ang bawat salitang nang-uuyam habang patuloy ang pagngiti โ€” walang nakauunawa, walang pakialam.

Kumulo man ang mundo, kami pa rin sa dulo

Umibig ka na ba na parang tinola? Mainit, minsa'y mapaitโ€”ngunit sa bawat subo, may lambing na unti-unting gumuguhit sa panlasa. Hindi man agad tanggap ng lahat, natututo ka ring mahalin ang pait ng dahon ng sili at ang haplos ng malinamnam na sabaw.