Back to News
Science and Technology

Lumi-lyssa-n at Bumabalik: Ang Katotohanan sa Likod ng Sikat na Gamugamo

8 days ago
3 min read
Lumi-lyssa-n at Bumabalik: Ang Katotohanan sa Likod ng Sikat na Gamugamo

v𝗶𝗮 𝗟𝗶𝗮𝗻𝗲 𝗝𝗮𝘇𝗺𝗶𝗻𝗲 𝗚. 𝗦𝗮𝗹𝘂𝗱𝗼, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛

Lyssa zampa o mas kilala bilang Tropical Swallowtail Moth — karaniwang haka-haka na sila ang mga mahal natin sa buhay na lumisan na, ngayo’y agaw-atensyon dahil mas dumarami sa uri nila ang tila bumabalik sa Maynila.


Hindi naman masasabi na isang nakakapangilabot na pangyayari ang pagdami ng Lyssa zampa; sa halip ay may simpleng paliwanag ito. Sa kabila ng iba’t ibang paniniwala o pamahiin tungkol sa itsura ng insektong ito, likas na matatagpuan sa Timog Silangang Asya ang Lyssa zampa, ayon sa isang pag-aaral nila Jain at Tea noong 2020.


Nasabi rin sa naturang pagsasaliksik na napupukaw ng ‘city lights’ ang atensyon ng mga gamugamo na ito — kung kaya’t ito ang totoong dahilan ng paglitaw ng mga gamugamo sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila.


May ilang tao pa rin na mayroong mga komento na ang kabuuang anyo ng ‘Tropical Swallowtail Moth’ ay tila nakakatakot — subalit ang maitim na kulay ng mga pakpak ng karamihan sa mga gamugamo ay nagsisilbing ‘camouflage’ na nakatutulong sa pag-iwas sa mga mandaragit. Kahit na sila ay mayroong kakaibang itsura, hindi sila naiiba sa kapwa nilang insektong may kinatatakutan din.


Ayon sa mga eksperto, ang ‘Tropical Swallowtail Moth' ay walang dalang panganib sa mga tao. Wala silang dalang toksin o kahit ano pa mang sakit. Kaya naman, sila ay mga nilalang na nararapat nating tahimik na hangaan.


Habang sila ay kalat sa lungsod ng Maynila sa kasalukuyan, nakapagtataka rin kung paano nila matutugunan ang mga pangangailangan nila. Ang katotohanan niyan ay nagkakaroon ng kakapusan pagdating sa mga halamang kinakain ng Lyssa zampa mula sa mga kagubatan. Isa na rito ang Eugenia na isang tropikal na palumpong. Ang kakapusan ng mga halaman tulad nito ang nag-uudyok sa kanila na lumipat mula sa mga kagubatan.


Ipinapahiwatig ng pagdating ng mga Lyssa zampa ang suliraning pangkapaligiran na ating kinahaharap tulad ng kakapusan ng ilang organismo sa ‘ecosystem’ — hindi lamang sa Pilipinas, ngunit sa marami ring bansa sa Timog Silangang Asya dahil may mga naitala ding pangyayari na maihahalintulad sa lokal na sitwasyon ngayon.


Maaaring magtagal pa ang pananatili ng mga ‘Tropical Swallowtail Moth' sa siyudad dahil na rin sila ay madalas lumitaw mula Mayo hanggang Hulyo. Ngayon, sila’y patuloy na nakikita ng karamihan — kaya naman, hindi makabubuti na maka-istorbo sa mga gamugamo na ito na walang dalang panganib.


Dagdag pa rito, maging mapanuri tayo sa ating kapaligiran dahil ang bawat pangyayari ay may paliwanag at maaaring ito ay pahiwatig na ng malaking ekolohikal na suliranin.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

Apparition or Just a Mere Misconception?

On June 14, 2025, a cloud formation above Naga City, Camarines Sur, sparked widespread attention after parishioners claimed to have seen the image of Jesus Christ in the sky following a Mass at the Minor Basilica of Peñafrancia. Videos and photographs quickly circulated online, garnering 5.3 million views and 269,000 reactions on Fox News alone. For a country deeply rooted in Catholic beliefs, this moment stirred powerful emotions.

Pag-asa Para sa Masa: Positibong Pananaw, May Positibong Epekto

Hindi mo man tiyak ang eksaktong dahilan ng iyong pag-iral, may halaga na agad ang paniniwala mong may kabuluhan ang iyong buhay. Sa katunayan, lumitaw sa bagong pananaliksik na ang simpleng paniniwala na may saysay ang ating pag-iral ay may malalim at positibong epekto sa ating pang-araw-araw na buhay.