Back to News
Science and Technology

'Malinis' na Lagayan, Maduming Laman?

5 days ago
2 min read
'Malinis' na Lagayan, Maduming Laman?

𝘃𝗶𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗮 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗻𝗮, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛

Paano kung ang akala nating solusyon upang mabawasan ang microplastics sa ating mga kinakain at iniinom ay mas malala pa pala ang panganib na dala para sa atin?

Batay sa France’s Food Safety Agency, mas maraming microplastics ang matatagpuan sa mga inuming nakalagay sa mga boteng gawa sa salamin — gaya ng tubig, beer, wine, at soft drinks.

Nakakita sila ng halos 100 microplastic particles sa bawat litrong laman ng mga boteng salamin ng lemonada, iced tea, soft drinks, at beer. Ito ay 5 hanggang 50 beses na mas mataas kaysa sa microplastics na natagpuan sa plastik na bote at lata.

Ayon kay Iseline Chaib, isang PhD student na nagsagawa ng pananaliksik, kabaligtaran ng inaasahan ang kinalabasan ng kanilang pag-aaral. Dagdag pa niya, napansin nila na sa mga boteng salamin, ang mga particle sa sample ay may parehong hugis, kulay, at komposisyon ng polymer na natatagpuan sa panlabas na bahagi ng bote — partikular sa takip at selyo nito.

Paliwanag naman ng ahensya, ang pintura ng takip ng bote ay may maliliit na gasgas na hindi nakikita ng ating mga mata, dulot ng friction o pagkikiskisan. Ito ay nagaganap sa takip ng bote tuwing iniimbak ang mga inumin.

Hanggang ngayon ay wala pang direktang ebidensyang nagsasabing ang ganitong uri ng plastik ay nakasasama sa kalusugan ng tao, ngunit patuloy pa rin ang pananaliksik upang masukat ang dami at lawak ng pagkalat nito.

Ang mataas na lebel ng microplastics na natagpuan sa mga inuming nasa boteng salamin ay patunay na hindi porket ito ay eco-friendly o natural, ay awtomatikong ligtas na. Sa halip, dapat nating pagtuunan ng pansin kung paano natin ginagawa, iniimbak, at ginagamit ang isang produkto nang hindi nailalagay sa panganib ang ating kalusugan.

Tandaan: ligtas ang may alam.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

Apparition or Just a Mere Misconception?

On June 14, 2025, a cloud formation above Naga City, Camarines Sur, sparked widespread attention after parishioners claimed to have seen the image of Jesus Christ in the sky following a Mass at the Minor Basilica of Peñafrancia. Videos and photographs quickly circulated online, garnering 5.3 million views and 269,000 reactions on Fox News alone. For a country deeply rooted in Catholic beliefs, this moment stirred powerful emotions.

Pag-asa Para sa Masa: Positibong Pananaw, May Positibong Epekto

Hindi mo man tiyak ang eksaktong dahilan ng iyong pag-iral, may halaga na agad ang paniniwala mong may kabuluhan ang iyong buhay. Sa katunayan, lumitaw sa bagong pananaliksik na ang simpleng paniniwala na may saysay ang ating pag-iral ay may malalim at positibong epekto sa ating pang-araw-araw na buhay.