via Ails Macababbad
Nagpamalas nang bilis at kahusayan sa pagmamanahe si Max Verstappen ng Red Bull matapos dominahin ang United States Grand Prix na ginanap sa Circuit of the Americas, Oktubre 20.
Hindi alintana ni Verstappen ang pagsisimula sa pole position matapos maagaw ang unahan at tuloy-tuloy na pangunahan ang karera hanggang sa finish line upang itala ang oras na 1:38.260.
Sa kabila ng ilang hamon sa gulong at pagbabago ng estratehiya, nanatiling matatag si Verstappen sa pagmamaniobra at hindi niya pinakawalan ang kanyang kalamangan laban sa mga karibal upang makapagdagdag ng 15 puntos sa kabuuang talaan.
“I knew that the race was not going to be super forward. If you look at the whole race, the place between myself and Lando was really close,” pahayag ni Verstappen.
Nakamit ni Lando Norris ng McLaren (+7.9) ang ikalawang puwesto matapos makipagsabayan at maungusan si Charles Leclerc ng Ferrari (+15.3) na nagtapos sa ikatlong puwesto.
Sa tagumpay na ito, nabawasan ang agwat ni Verstappen laban sa championship leader na si Oscar Piastri ng McLaren (+29.6) na nagtapos lamang sa ikalimang puwesto matapos hindi makasabay sa bilis ng mga nangunguna.
“I think just in that first stint, that’s where we made the difference. I could eke out a little bit of a gap, and that’s basically what we kept till the end,” dagdag ni Verstappen.
Samantala, nagtapos si Lewis Hamilton ng Mercedes (+28.5) sa ikaapat na puwesto matapos makaranas ng bahagyang problema sa gulong sa huling lap.
Sa pagtatapos ng karera, pinuri ng mga tagahanga sa Austin ang matatag na performance ni Verstappen na ngayon ay may 68 career wins sa Formula 1.
Paghahandaan naman naman ng Red Bull star ang susunod na yugto ng season sa Mexico City Grand Prix sa Oktubre 24-26, kung saan inaasahang magpapatuloy ang mainit na labanan para sa kampeonato.






