Back to News
Sports

PYBC, aarangkada ngayong Agosto; tututok sa stats at performance ng mga manlalaro

6 days ago
2 min read
 PYBC, aarangkada ngayong Agosto; tututok sa stats at performance ng mga manlalaro

𝗩𝗶𝗮 𝗝𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱 𝗙𝗼𝗹𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲

Isang makabagong yugto sa kabataang basketball ang ilulunsad Agosto ngayong taon sa pamamagitan ng Philippine Youth Basketball Championship (PYBC), isang bagong liga na nakatuon sa masinsinang pag-aaral ng stats at performance ng mga manlalaro.

Itinataguyod ng PYBC ang layuning maging pangunahing plataporma ng kabataang Pinoy para sa kanilang pagsasanay at kompetisyon, kalakip ang modernong paggamit ng datos at analitiks upang masukat ang bawat galaw sa loob ng laro.

Pangungunahan ang liga ng basketball legend na si Benjie Paras bilang Commissioner, kasama sina Deputy Commissioner Paolo Layug at Tournament Director Carl Villanueva.

“It’s important to help the players understand that the data is just there to help them improve as players,” ani Layug, na dating coach ng WMPBL champion Pilipinas Aguilas.

“Especially at the younger age groups, mahalagang mairekord ang stats para matutukan ang progreso ng bawat atleta habang lumalaki sila.” giit pa niya.

Magbibigay ang liga ng mga detalyadong ulat gaya ng halftime analysis, post-game reports, individual player breakdowns, at performance metrics, isang estratehiyang hinango sa sistemang ginagamit sa Estados Unidos at Europa.

Bilang pioneer sa bansa, gagamit din ang PYBC ng player rankings sa kada age group, na magsisilbing gabay sa monitoring ng talento at kakayahan ng kabataan sa iba’t ibang yugto ng kanilang paglalaro.

Tatagal ang unang season mula Agosto 2025 hanggang Hunyo 2026, na hahatiin sa dalawang conference sa ilalim ng single round-robin format para sa tatlong dibisyon: 11-Under (born 2014), 13-Under (born 2012), at 15-Under (born 2010).

Sa pagtatapos ng eliminations, uusad ang mga koponan sa quarterfinals, semifinals, at best-of-three finals kung saan ilalaban ang kampeonato batay sa disiplina, datos, at husay sa court.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.

Cayetano, iginiit ang halagang pampulitika ng sports sa kabataan; fundraising para sa Alas Pilipinas, idinaos

Inilunsad sa Intramuros ang “Spike for a Cause,” isang fundraising dinner at fashion show na layong suportahan ang Alas Pilipinas at ang gaganaping FIVB Men’s World Championship ngayong Setyembre.