𝗩𝗶𝗮 𝗥𝘂𝘇𝘁𝗼𝗺 𝗞. 𝗟𝗮𝗺𝘂𝗻𝗱𝗮𝗼
June 29, 2025
RE: Kawakasan sa pekeng kinatawan ng kabataan
Mahal kong Kabataang Pilipino,
Ika nga ni Dr. José P. Rizal at sa ganitong araw rin siya isinilang, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Subalit paano kung mismong ang kinabukasan ng kabataang Pilipino ay ninakaw ng mga pekeng kumakatawan sa kabataan na mismong mga strawman pa?
Bilang nakinabang na rin naman ang grupo ng mapanlinlang na representasyon ng kabataan sa puwesto sa loob ng anim na pwesto, tama lang ang ginawa n'yong mga kabataan na tumindig at kumilos upang magwakas na ang panlilinlang nila sa inyo.
Dahil napagtagumpayan n'yo ito, tuluyan nang na-Trip to Jerusalem na sila sa magiging pwesto nila na dahilan upang magiba ang pagiging strawman nila at bonus na rin na may puwang pa lalo sa puwesto ang isang tunay na kinatawan ng mga abanteng rosas Kahit sa kabila na na-Trip to Jerusalem na ang strawman na kinatawan kuno ng kabataan, manatili kayong mapagmatyag sa anumang posibleng manipulasyon na gagawin nila.
Nagmamahal, Tinig ng Masa