MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 168,000 na mga incoming college students ang hindi nakapasok sa mga state universities at colleges (SUCs) dahil sa limitadong kapasidad.
Batay sa mga datos na isinumite ng 62 sa 115 na mga SUCs, 32 o 52 porsyento sa mga ito ay nag-exceed sa kanilang “maximum capacity”, habang 11 o 18 porsyento naman ang umabot sa “100% capacity.”
Dahil dito, 168,493 na mga mag-aaral ang hindi tinanggap sa mga SUCs kahit sila ay pumasa sa entrance exams.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman of the Senate Committee of Finance, hinihikayat niya ang mga SUCs na magpokus sa pagpapataas ng “academic capacity”.
Bukod rito, hinihikayat niya rin ang mga SUCs na magsumite ng kanilang “capital outlay requirements” na nakasentro sa mga classrooms at iba pang academics-related needs.
“The goal here is no more displaced students,” ani Gatchalian.
Kaniya ring sinabi na bumaba ang SUC’s capital outlay sa ₱17 billion ngayong taon, mula sa ₱34 billion noong nakaraang taon.
Ayon kay Catholic Association of the Philippines (CEAP) President Fr. Karel San Juan, marami pa ring mga mag-aaral ang mas pinili ang mga SUCs sa kabila ng limitado nitong kapasidad, dahil sa kanilang “economic situation.”