Back to News
News

Mahigit 100 Pinoy, nawalan ng tirahan sa gitna ng pag-atake sa Israel

7 days ago
2 min read
Mahigit 100 Pinoy, nawalan ng tirahan sa gitna ng pag-atake sa Israel

| 𝘃𝗶𝗮 𝗥𝗮𝗽𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗥𝘆𝗮𝗻 𝗦𝗲𝗻𝗰𝗶𝗹, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛

Mahigit 100 Pilipino ang nawalan ng tahanan, habang 118 naman ang pansamantalang inilipat sa mga silungan sa Israel matapos ang paghihiganting pag-atake ng Iran gamit ang mga misil, kasabay ng patuloy na paglala ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa datos na inilabas Philippine embassy sa Israel kahapon, June 23, isang Pilipino ang nananatiling kritikal ang kondisyon na may malubha at panganib na mga sugat dulot ng pag-atake ng mga misil ng Iran.

“She underwent a major pulmonary surgery and another procedure to create a breathing tube access. She is being treated at the ICU of Shamir Medical Center, one of Israel’s most advanced hospitals,” ayon sa embassy.

Bukod dito, isa pang Pilipino ang nagtamo ng katamtaman hanggang malubhang sugat, sumailalim din sa operasyon, at na-discharge na.

Anim naman ang nakalabas ng ospital matapos gumaling mula sa mga minor injuries.

Sa kabuuan, 127 Pilipino na ang nawalan ng tirahan dahil sa pinsalang dulot ng mga misil.

“118 have been transferred to temporary housing accommodations and nine are being processed for resettlement,” dagdag ng embassy.

Sinabi rin ng embassy na 26 overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel ang sumailalim sa voluntary repatriation, habang 50 pa ang nakatakdang pauwiin sa susunod na araw.

Nauna nang itinaas ng pamahalaan ng Pilipinas ang Alert Level 3 sa Israel.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

Court: Alice Guo is Guo Hua Ping, mayoral term voided

Manila Regional Trial Court Branch 34 has declared Alice Guo's mayoral term void, identifying her as the Chinese national Guo Hua Ping.

DOJ ratifies cooperation with ICC, witnesses offered to fly to The Hague

On Wednesday, the Department of Justice (DOJ) has confirmed its cooperation with the ICC on securing witnesses in the drug war case against former President Rodrigo Duterte, who is charged with crimes against humanity.