O, sintang Pilipinas,
ako'y lilisan dito.
Hindi na muna
para sa pansarili ko
pang pagpapayaman.
Gagawin ko 'to
para sa pakikibaka't
rebolusyong marapat
na isulong ngayon.
Sa panahon na
tumindi ang paniniil
ng estado,
bayan ko'y uuwian
para sa pag-aaklas.
Lalong susulong
ang digmaang-bayan at
digmaang-uri
kapag hindi nawala
ang salot sa lipunan.
Para sa mga
Pilipinong nawalan
na ng pag-asa:
may pag-asang magbago
pa itong bayan natin.
Hindi sagot ang
mangibang-bayan, dahil
dito sa bayan natin
ang tunay na laban
tungo sa pagbabago.
Ang rebolusyon
ang huling sagot
para ibagsak
ang naghaharing-uring
sakit sa lipunang 'to.
Imbes na pag-alis
ang tugon mo sa
labis na abusong
estado na sakim,
sumama ka sa sigwa.
Kailangan ka
ng bayang ito dahil
hindi na sapat
na lumisan pa para
takasan ang realidad.
Hindi malilipol
ang salot sa lipunan
kung iilan lang
ang gagawa nito
at kaniya-kaniya pa tayo.
Makiisa ka,
kumilos at lipulin
ang naghaharing
uri ngayon, dahil 'to
na lang ang tanging lunas.